Saturday, November 27, 2010

Pizza-rap!


Pizza-rap!


Ang napakasarap na paborito kong pagkain ay Pizza. Kahit ito lamang ang kainin ko buong araw ay ayos na sa akin. Ibang klase talaga ang lasa nito, tila ba ang pakiramdam ko ay umaapaw sapagkat nakain ko na ang paborito ko. Kapag nasimulan ko na itong kainin ay parang gusto ko pang kumain nang kumain hangga’t may nakikita pa akong Pizza. Ito ay maaari ko nang maging tanghalian, meryenda o hapunan. Higit pa itong sasarap kung marami itong iba’t ibang keso. Kahit isang  hiwa lang nito ay makukuntento na ang iyong tiyan.
Tiyak akong napaka-sustansya nito dahil “toppings” pa lang ay makukuhanan na ng nutrisyon. Ito ay binunuo ng giniling nab aka (ground beef) na mayaman sa protina, bell pepper(red at green) mga kesong gawa sa gatas; maaari ring ito ay may “bacon”, “ham” o “pepperoni”; mayroon din itong “tomato sauce” na ating mapagkukuhanan ng “Lycopene”. Ang “dough”nito ang isa pang mas nakapagpapabusog sapagkat ito ay mayaman sa Carbohydrates.

Ang halaga nito ay medyo may kamahalan nga lang ngunit sulit na rin dahil sigurado naming mabubusog at masasarapan kang talaga. Ang  pinaka paborito kong tindahan o bilihan ng Pizza ay sa SBARRO. Naku, kung nasubukan niyo lamang umorder doon ay sasang-ayon kayo sa akin dahil ang isang slice ay talaga naming parang di niyo ito mauubos dahil madali itong makabusog at napaka bigat sa tiyan! Ubod ng sarap! Para tuloy gusto kong kumain niyon ngayon. Maaaridin nga pala itong mabili “per slice”, “solo”, “family size”, o depende sa laki nito. Isang karanasan ko ay paminsan kapag tanghalian ay aayawan ko ang kanin. Tila ba di ito tatanggapin ng aking tiyan sapagkat iba ang hanap-hanap nito. Natatakam ako sa aking “comfort food”.


 --Camille de Castro